Favorites

Yaman ng Tagapagligtas

  Mode: MP3/MIDI
  1. Yaman ng Tagapagligtas,
    Di-malirip, malawak;
    Kapuspusan ng Pagka-Diyos,
    Maranasan nang payak.
    • Yaman ng Tagapagligtas,
      Sa akin nakalaan;
      Bagama't hindi masukat,
      Aking katotohanan!
  2. Yaman ng Tagapagligtas,
    Sa lahat sumasakop;
    Buhay, liwanag, at lakas,
    Dunong, aliw, at kupkop.
  3. Katubusan, kaligtasan,
    At pagkabuhay-muli;
    Nagpapabanal sa tanan,
    At lumuluwalhati!
  4. Yaman ng Tagapagligtas -
    Persona, pag-aari;
    Mismong Diyos ang aking lahat,
    Puso ko'y nabighani.
  5. Yaman ng Tagapagligtas,
    Di masukat, gayunman;
    Luwang, haba, lalim, taas,
    Ay aking kagalakan.
  6. Walang hanggang mga yaman,
    Nawa'y aking malaman;
    Kristo'y ganap maranasan,
    Ang iba'y bahaginan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds