Favorites

Si Kristo ang aking lahat

  Mode: MP3/MIDI
  1. Si Kristo ang aking lahat,
    Buhay at taguyod.
    Aking lakas; kung wala Siya
    Ako'y matitisod.
    Kung may lumbay, Siya'y lapitan,
    Si Hesus ang kagalakan.
    Aliw sa 'king kalooban;
    Kaibigan!
  2. Si Kristo ang aking lahat,
    Tulong sa pagsubok,
    Nagpapala, nag-'alaga,
    Laging kumukupkop.
    Ula't, araw padala Niya,
    Ani't tustos masagana,
    Gintong palay, Kanyang bigay;
    Kaibigan!
  3. Si Kristo ang aking lahat,
    Tagapagbiyaya;
    Sa Kanya 'ko'y maging tapat,
    Di ko Siya matatwa.
    Sundin ko Siya, panay wasto,
    Binantayan akong husto,
    Araw-gabi, sundin ko Siya,
    Kaibigan!
  4. Si Kristo ang aking lahat,
    Wala Siyang kapantay,
    Nais ko Siyang makaugnay,
    'Di na mawawalay.
    Kay inam ng aking buhay,
    Kaibigang napakahusay,
    Walang hanggan kong kaakbay,
    Kaibigan!

Add a comment

Feb. 25, 2011PelitzO Panginoong Hesus! Pinupuri kita simula't sapol hangang ngayon at bukas Ikaw ay ang aking lahat sa lahat ni walang kapantay.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds