Favorites

Sinong liyag ko sa langit

  Mode: MP3/MIDI
  1. Sinong liyag ko sa langit?
    Ikaw lang! Ikaw lang!
    Buong buhay itong awit:
    Kristo lang! Kristo lang!
    Para sa 'kin Siya'y Kordero,
    Mahal Niyang dugo binubo;
    Ako't Diyos 'pinagkasundo:
    Kristo lang! Kristo lang!
  2. Di nainggit sa mayaman:
    Kristo lang! Kristo lang!
    Walang nasa sa laruan:
    Kristo lang! Kristo lang!
    Panlupa di tatagal nga,
    Naglalaho, nawawala;
    Aking walang hanggang saya:
    Kristo nga! Kristo nga!
  3. Kahit sa dukha mapunta,
    Kristo lang! Kristo lang!
    Mabuti sa 'kin, batid Niya
    Kristo lang! Kristo lang!
    Ubas, igos walang bunga,
    Langis oliba nawala,
    Namatay alagang tupa,
    Akin din, Kristo nga!
  4. Palibot walang payapa,
    Kristo lang! Kristo lang!
    Sala ako'y tinuligsa,
    Kristo lang, Kristo lang!
    Mabangis man ang digmaan,
    Nanuligsa ang kalaban,
    Nguni't Kanya'y kalakasan:
    Kristo 'king sandigan.
  5. Pagbabalik ng Poon ko,
    Kristo lang! Kristo lang!
    Kasamang maghari ako,
    Kristo lang! Kristo lang!
    Nang anghel magsiawitan,
    Kapangyariha'y bagsakan,
    Kristo mapasaluklukan:
    Kristo, walang hanggan!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds