Favorites

Dati'y pagpapala

  Mode: MP3/MIDI
  1. Dati'y pagpapala,
    Si Kristo ngayon;
    Damdamin no'ng una,
    Salita ngayon;
    Paggamot ninais,
    Ngayo'y Siya Mismo;
    Kal'ob di maparis
    Sa Nagkaloob.
    Purihin si Kristo-
    Ang lahat-lahat;
    Na kay Kristo ang lahat,
    At si Kristo'y lahat.
  2. Dati'y pagsisikap,
    Ngayo'y tiwala;
    Dati'y sala't hirap,
    Ngayo'y ligtas na;
    Dati'y tumatangan,
    Tinangnan ngayon;
    Dati'y lumulutang,
    Matatag ngayon.
  3. Dati'y panukala,
    Dalangin ngayon;
    No'n nababalisa,
    Panatag ngayon;
    Dati'y ang hilig ko,
    Wika Niya ngayon;
    Dati ay pagsamo,
    Pagpuri ngayon.
  4. Dati'y aking gawa,
    Ngayo'y gawa Niya;
    Dati'y gamit ko Siya,
    Ngayo'y gamit Niya;
    Lakas ang hanap no'n,
    Siya'ng lakas ngayon;
    Sa sarili noon,
    Kay Hesus ngayon.
  5. No'n umaasa pa,
    Akin tiyak ngayon;
    No'n ilaw nagbawa,
    Maningning ngayon;
    Nais mamatay no'n,
    Nag-'abang ngayon;
    Darating Pangino'n,
    Di maglalaon.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds