Malayo sa Diyos, may sala
| Mode: MP3/MIDI |
- Malayo sa Diyos, may sala;
Ilaw di makita;
Sa Salita Siya'y nakita,
Sa 'ki'y nanahan Siya. - Nasa loob ko,
Buhay si Kristo;
O! Anong kaligtasan,
Sa 'kin Siya'y nanahan. - Gaya'y silahis ng araw,
Nagpapabulaklak;
Buhay, ilaw at pagsinta,
Kay Kristo nagmula. - Katulad ng isang puno,
Na nasa 'sang buto;
Gayon Kanyang Espiritu,
Nasa 'spiritu ko. - Umaasam ang puso ko,
Na makatulad Mo;
At Iyong hiwaga'y munihin,
Ika'y nasa akin.