Favorites

O maluwalhating Kristo

  Mode: MP3/MIDI
  1. O maluwalhating Kristo,
    Tunay Kang liwanag dibino,
    Ika'y Diyos sa kawalang-hanggan,
    Naging taong may hangganan.
    • O! Kristo, kahayagan ng Diyos,
      Kayamanang di maubos;
      Diyos sa tao'y naihalo,
      Nang maging lahat-lahat ko.
  2. L'walhati inihayag Mo,
    Kapuspusan ng Diyos nasa Iyo;
    Sa laman, pagtubos gawa Mo,
    Sa 'Spiritu kaisa ko.
  3. Lahat ng sa Ama'y I-yo,
    Tinanggap naman ng 'Spiritu;
    Sa 'kin Siya ang katotohanan,
    Nang Kita'y mararanasan.
  4. Sa akin Ka ibinigay
    Ng Iyong Espiritu ng buhay,
    Iyong Salita'y aking natamo,
    Sa 'kin 'tinakda buhay Mo.
  5. Habang Kita'y minamasdan,
    Pagbabago'y aking nakamtan;
    Gaya'y salaming nag-'aninag,
    L'walhati Mo'y naihayag.
  6. Walang ibang daang sakdal
    Upang ako ay mapabanal;
    Makibahagi sa tagumpay,
    Kundi mahipo Kang tunay.
  7. Espiritu Mo'y puspusan,
    Ang aking buong katauhan;
    Nang maligtas sa lumang tao,
    Tahanan Mo'y maitayo.

Details



  • Category:PAGDARANAS KAY KRISTO
  • Subcategory:BILANG BUHAY
  • Music:C. Austin Miles
  • Hymn Code:55345123211121615

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds