Favorites

O anong kapangyarihan

  Mode: MP3/MIDI
  1. O anong kapangyarihan!
    Binuhay ng Diyos si Kristo;
    Iniluklok sa Kanyang kanan,
    Sa lahat Siya ang pangulo.
    Lahat ay pinasuko Niya
    Nang dahil sa ekklesia.
  2. Kay hiwaga at kay tunay!
    Ako ay sangkap ni Kristo;
    Mga banal ay kaugnay,
    Bagong tao'y itatayo.
    Pangulo kaisa natin,
    Ayon sa Diyos, plano'y tupdin.
  3. Kay taas, lalim, at haba!
    Luwang, sukat, di-malirip;
    Kristo ng Diyos, walang takda,
    Lawak lampas sa maisip.
    Siya Mismo at Kanyang taglay,
    Ekklesia ang pinatibay.
  4. (Ulitin ang huling dalawang linya ng bawa't saknong)

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds