Favorites

Nang Ama'y di pa kilala

  Mode: MP3/MIDI
  1. Nang Ama'y di pa kilala,
    Ama'y nasa Iyo sa lupa;
    Kung Siya'y nais makilala,
    Panginoon, kilanlin Ka.
  2. Nguni't no'ng nasa lupa Ka,
    Kilala Ka ng iilan,
    Pinagdagsaan ng madla,
    Di Ka nahipo, nakamtan.
  3. Ngayon Ika'y Espiritu,
    Noon, nang Ama'y nasa Iyo,
    Ama'y nakilala sa Iyo,
    Ikaw naman sa 'Spiritu.
  4. Hindi Ka na dating laman,
    Na napagal sa paglibot;
    Sa 'spiritu ko'y tumahan,
    Sa 'kin Iyong tustos umabot.
  5. No'ng tinawag Kang ang Ama,
    Ngayo'y Espiritu Santo,
    Siya'y Ikaw sa ibang porma,
    Nang sa 'ki'y makatahan Ka.
  6. Dahil sa 'Spiritu Santo,
    Iyong l'walhati, kalooban,
    Diwa't buhay, nalaman ko,
    Mahiwagang kalikasan.
  7. Purihin Ka ng puso ko,
    Ikaw ang katotohanan,
    Walang matalik kaysa Iyo,
    Walang kaibig-ibig man.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds