Favorites

Ama, Ika'y sambahin

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ama, Ika'y sambahin,
    Mapitagang harapin,
    Kristo'y tanging lakas nga,
    Ama, sambahin Ka.
  2. Pag-ibig kay dakila,
    Akin nang namatay Siya,
    Pati kat'wiran, b'yaya,
    Ama, sambahin Ka!
  3. May salang dating sukal,
    Ngayo'y anak may rangal
    Kay yaman ng biyaya,
    Ama, sambahin Ka!
  4. Ngayo'y sa espiritu,
    Realidad si Kristo;
    'Samyong hain, taglay Niya,
    Ama, sambahin Ka!
  5. Ihahandog kong muli,
    Malalim na papuri,
    Pag-ibig Mo'y dakila,
    Ama, sambahin Ka!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds