Favorites

O Hesus nang nasa lupa Ka

  Mode: MP3/MIDI
  1. O Hesus nang nasa lupa Ka,
    Mga tapat sinamahan Ka;
    Tila ba kilala Ka nila,
    Nguni't di Ka nila naunawa.
  2. Narinig nila ang Iyong tinig,
    Di malimot anyong makisig;
    Sa Iyo nagsiksik at nagtitig,
    Nguni't sino Ka di nila batid!
  3. Kami'y may tabing tulad nila;
    Tila sa labas kilala Ka;
    Nguni't sa Iyong pagkakilala
    Di na maaninag, malabo pa!
  4. Ngayon nasa 'Spiritu Ka na,
    Naging ibang Taga-aliw pa;
    Sa 'kin in'hayag sarili Mo,
    Yamang dumating Ka sa Iyong templo.
  5. Kapunuin ng Espiritu,
    Bawa't sulok ng kalulwa ko;
    Bawa't bahagi'y Iyong hipuin,
    Bigyang inspirasyon at baguhin.
  6. Nagpahayag ang Espiritu,
    Ng Iyong sarili sa 'king puso;
    Di man makita ng 'king mata,
    Subali't sa aki'y totoo Ka!
  7. Sa Iyong habag 'pinahayag Mo,
    'Binigay sa 'min Sarili Mo;
    Sa mundo, sinong mas totoo,
    Mas tapat at mas tunay kaysa Iyo?
  8. Iyong 'Spiritu sa 'king 'spiritu,
    Paapawin sa 'kin nang husto;
    Nang bawa't bahagi'y mapuspos,
    Bawa't sulok may Kristo at may Diyos.
  9. Itong buhay ga'nong katalik,
    Nagkahalo ang lupa't langit;
    Iyong presensiya puspusan kami;
    Buhat sa puso sa Iyo'y pupuri!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds