Napako sa krus kasama
0
Format:
- Napako sa krus kasama
Ni Kristo at napalaya;
Nabuhay muling kasama,
Buhay Niya ang namahala. - Namatay kasama ni Kristo,
Ligtas sa sala at mundo;
Nabuhay kasama ni Kristo,
Sa buhay ko Siya’ng namuno. - Hiwaga noong di batid,
Nalaman sa pa’nalig;
Kristo sa aki’y l’walhati,
Handugan Siya ng papuri. - Kalikasa’y may simbolo:
Namunga nam’tay na trigo;
Hinugpong sangang mahusay,
Nakamit mayamang buhay. - Ang lihim ng kabanalan -
Di sariling kaganapan;
Maalis sa ’kin ang laman,
Panginoon, ako’y punan. - Ito ang lunas sa sakit -
Mamatay lang sa sarili’t
Hayaang tumustos sa iyo
Lakas ng buhay ni Kristo. - Mula krus hanggang sa trono
Panginoon ang namuno,
Una’y kamatayan, saka
L’walhati, Siya’ng halimbawa.
0
0



