Favorites

Pinupuri Ka Ama

  Mode: MP3/MIDI
  1. Pinupuri Ka Ama,
    Kami'y nagsasaya;
    Sa Kanyang katayuan,
    Walang kamatayan,
    Nabubuhay 'sang Tao,
    Sa kanan ng trono;
    Patuloy na pagsinta,
    Mayamang biyaya!
  2. Ama Niya'y Ama namin,
    Diyos Niya'y,Diyos din namin.
    Siya ay Iyong Sinisinta,
    Sa puso'y ligaya.
    Kami'y Kanya, Siya'y amin,
    Bahagi'y maangkin.
    Malaman Iyong biyaya
    Pag-ibig at mukha!
  3. Kailanma'y di lalamig,
    Yakap ng pag-ibig
    Nakatuon sa Kanya,
    Taos na pagsinta!
    Sa Kanya'y may pahinga,
    L'walhati't pagsinta.
    Sa Kanya'y napalapit,
    Maraming kapatid.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds