Hesus ako’y kaisa Mo

1
Hesus ako’y kaisa Mo,
’Sang espiritu sa Iyo;
Lahat Mo ngayon, taglay ko,
Tahan sa ’kin lahat Mo.
  Kaisa Mo Hesus,
Kaisa Mong lubos;
Yaman Mo aking bahagi,
Lahat Ka sa ’kin lagi.
2
Makabahagi nga ako
Sa pantaong buhay Mo;
Ang ganap na pagsunod Mo,
Laan sa paggamit ko.
3
Sa pagkapako kaisa Mo,
Sa krus ako’y namatay;
Patay na sa sanlibutan,
Sanlibutan di’y patay.
4
Panginoon kaisa Mo,
Sa muling-pagkabuhay;
Ang buhay na Ikaw Mismo,
Ngayon ay aking taglay.
5
Sa pag-akyat kaisa Mo,
Sa langit kasama Mo;
Dito’y manlalakbay ako,
Buhay ko’y kubli sa Iyo.
6
Sa pagkaluklok kaisa Mo,
Awtoridad taglay ko,
Katulad na kaisa Mo
Sa buhay, espiritu.