Favorites

Abba Ama, purihin Ka

  Mode: MP3/MIDI
  1. Abba Ama, purihin Ka,
    Sa Iyo ay sumasamba;
    Ang makilala Ka, Ama,
    Ay aming pagpapala.
    Dahil sa dugo ni Kristo,
    Pribilehyo'y natamo.
    'Spiritu Mo't 'spiritu ko
    Saksing ako'y anak Mo.
  2. Mundo bago pa natatag,
    Kay Kristo Iyong binalak.
    Maitalagang anak Mo,
    Iyong buhay ri'y matamo.
    Abba Ama, Iyong pagsinta,
    Kami'y minahalaga;
    Nang kaming makasalanan
    Iyong likas bahaginan.
  3. Nang kay Adam aming likas,
    Sa Diyos hindi na bukas.
    Sa layuning walang hanggan,
    Ikaw rin ang hantungan.
    Kanya ngang tinubos kami,
    Nang maisilang-muli.
    O, taas, lalim ng awa
    Kristo't kami'y nagkai-sa.
  4. Tiempo nga'y pabagu-bago,
    May pighati o gulo,
    Di mabago Iyong pagsinta
    Sa ami'y nagdadala
    Sa luklukan Mo'y haharap.
    Kami'y Iyong mga anak
    Sasaysayin Iyong pagligtas,
    Pupuring walang wakas.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds