Favorites

Ako'y Kanya! Anong kagalakan nga

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ako'y Kanya! Anong kagalakan nga!
    Matamis na tugon sa tinig Niya;
    "Oo" tugon sa Iyong mga pangako,
    "Huwag mangamba, tinubos na kita."
  2. Ako'y Kanya! Deklarasyong masaya!
    Masayang araw ay nagunita,
    Nobya sa Kanya'y magsabi ng "Oo."
    Panginoo'y pararangalan ko.
  3. Ako'y Kanya! Nawa ako'y turuan.
    Tungkol sa pagsinta't katapatan;
    Banal pag'lingkod, lubos na pagsuko,
    Walang hanggang pagsunod sa Iyo.
  4. Ako'y Kanya! Buo kong katauhan,
    Espiritu, kalul'wa't katawan;
    Ang Sinta ko, sa ganap Niyang biyaya,
    Magpakailanman ay akin nga.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds