Favorites

O lumalapit sa Ama

  Mode: MP3/MIDI
  1. O lumalapit sa Ama,
    Nang dahil sa ngalan Niya.
    Pagpala'y ibigay ngayon,
    Sa aming pagtitipon.
    Dugo naghugas sa sala,
    Kaya't nakadulog na;
    Iyong Espiritu'y nagturo
    Tawag "Abba Ama" ko!
  2. Kami'y alibugha noon,
    Hiwalay, walang layon.
    Biyayang higit sa sala,
    Nagligtas sa pagdusa.
    Nadamtan ng kaligtasan,
    Naupo sa may dulang.
    Sa yaman ng Iyong biyaya,
    Sama-samang magsaya!
  3. Patawad sa alibugha,
    Hinagkan pa ng Ama;
    Kinatay para sa kanya
    Ang pinatabang guya.
    Sabi Mo, "Magalak tayo"
    Dating patay anak ko
    Ngayon muling nabuhay na
    Ang nawala'y nakita!
  4. Abba Ama, sambahin Ka,
    Mga anghel namangha
    Sa Iyong dunong at pagsinta,
    Sa 'mi'y nakita nila.
    Di lalao'y sa Iyong trono,
    Ihahayag Ama ko:
    Pag-ibig Mo sa pagtubos;
    Pangalan Mo'y kay puspos!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds