Favorites

Kami'y tinawag Mo, Diyos

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kami'y tinawag Mo, Diyos
    Nang masdan Iyong Anak
    Siya ang mahal Mong lubos
    At Iyong kalooban;
    Sa tanging kayamanan
    Sarili'y binuhos,
    Pag-ibig Mo'y makamtan,
    Naising magtubos.
  2. Ama—O Diyos ng awa!
    Aming karapatan,
    Maningning na pag-asa,
    Mula sa Iyong ngalan:
    Ang himig na Iyong nais
    Na laging marinig,
    Kami'y malayang labis
    Sa sala at nginig.
  3. Tao'y natatakot na
    Diyos di makalimot;
    Nguni't sala'y limot na
    Sa bayad na dulot.
    Wala nang kalayaan
    Sa 'ting kaluluwa,
    Kundi ang kamatayan
    N'yaong Sinisinta.
  4. Walang poot sa puso
    Ng Diyos tungo sa'tin,
    Pangamba ay nagupo,
    Pag-ibig Niya'y kamtin;
    Alibugha'y hinagkan,
    Damit ay 'sinuot;
    Ganap Niyang pag-ibig ang
    Nagtanggal ng takot.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds