Favorites

Hesus 'ko'y Iyong sulyapan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hesus 'ko'y Iyong sulyapan
    Kasimplihan ay bigyan;
    Dukhain, pababain
    Kilanlin Ka'y naisin.
  2. Sa sariling palalo
    Hidhid sa yamang, ako
    Pag-uyam at papuri
    Iwalay ang sarili.
  3. Mayabang na sarili
    Lalo pang isantabi
    Sumuko sa Iyong gusto
    Sa paa Mo'y yumuko.
  4. Matulad sa 'sang bata
    Lakas, dunong masira;
    Ang Iyong ilaw at lakas
    Masdan, lumakad wagas.
  5. Pagod na kaluluwa
    Sa Iyo'y nagpapahinga;
    Kapayapaan ng Diyos
    'Ramdam dugong umagos.
  6. Mamuhay na ganito
    Nagpupuri sa Iyo;
    Mamatay mang ganito
    Hosanna pa rin sa Iyo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds