Iyong daan, di akin

1
Iyong daan, di akin
Ga’no mang kadilim;
Patnubayan ako,
Basta pinili Mo.
2
Patag o mabato,
Mabuti rin ito;
Tuwid, liku-liko,
Pahinga ang tungo.
3
Ako sa sarili’y
Nangambang pumili;
Ikaw ang magpasiya,
Mat’wid aking paa.
4
Sa dusa o saya,
Saro ko’y punin na;
Masunod Iyong pasiya,
Buti man o sama.
5
Katoto’y piliin,
Mabuti sa akin;
Ikaw ang magtakda
Kaayon pa Kita.
6
Anumang mangyari,
Ika’y aking Hari;
Gabay Kitang mahal,
Dunong na marangal.