Favorites

O Hesus nais kong mamuhay sa Iyo

  Mode: MP3/MIDI
  1. O Hesus nais kong mamuhay sa Iyo,
    Ikaw ang daigdig sa araw't gabi,
    Sana'y di-mapalagay ang puso ko
    Kung inaasam ang hindi Mo mithi.
    Anumang sandaling may pagdurusa
    At walang kasiyahang matagpuan,
    Nang ako'y dumaraing, lumuluha,
    Luha ko'y pahirin, dusa'y wakasan.
  2. Kung mangarap 'ko sa inam ng buhay,
    Hiling ko, Hesus, ang makasama Ka.
    Ikaw ang aking kasiyahang tunay,
    Huwag hayaang pumili pa ng iba.
    Tuwing gabi nang ako'y nakahimlay,
    Hiling ko'y mapalapit Ka sa akin,
    At sa pagsapit ng bukang-liwayway,
    Bulungan Mo ako, at Iyong tawagin.
  3. Sa pagbasa ng banal Mong Salita,
    Mangyaring sumilay ang Iyong l'walhati,
    Nang Tagapagligtas ay makilala
    At ang kaligtasang aking bahagi.
    Kung dumulog ako sa Iyong luklukan,
    Ipagkaloob Mo ang Iyong biyaya.
    Kung dahil sa sala, 'di Mo pakinggan,
    Huwag Mong bawiin ang mahal Mong mukha.
  4. Kung isipin ko ang mga biyaya,
    Makakapiling Ka—puso ko'y sabik.
    Tangi kong ligaya ang Iyong presensiya,
    Tangi kong pag-asa ang Iyong pagbalik.
    Ako'y turuan Mong mamuhay sa Iyo,
    Ikaw ang daigdig sa araw't gabi,
    Sana'y di-mapalagay ang puso ko
    Kung inaasam ang hindi Mo mithi.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds