Nais kong lalong matalos
1
|
Nais kong lalong matalos Ang pagpapala ni Hesus; Ang pagliligtas Niyang puspos At ang kamatayan sa krus. |
Kristo’y aking nasa, Lalong makilala Pagtubos Niyang kay dakila, Yaman Niyang aking tamasa. |
|
2
|
Nais ko ring matutunan Ang banal Niyang kalooban; Turuan ng Espiritu, Nang malaman ko si Kristo. |
Kristo’y aking nasa, Lalong makilala Pagtubos Niyang kay dakila, Yaman Niyang aking tamasa. |
|
3
|
Higit pang Kristo’y matamo Sa Salitang punung-puno; Ng pag-ibig, katapatan Ng buhay at kasiyahan. |
Kristo’y aking nasa, Lalong makilala Pagtubos Niyang kay dakila, Yaman Niyang aking tamasa. |
|
4
|
Si Hesus nasa luklukan, Taglay Niyang kal’walhatian, Makita ko’ng kaharian, Hari ng kapayapaan. |
Kristo’y aking nasa, Lalong makilala Pagtubos Niyang kay dakila, Yaman Niyang aking tamasa. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?