Favorites

Kung ang aking landas

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kung ang aking landas
    Sa krus ang punta;
    Kung daan Iyong pili
    Hatid ay dusa;
    Aking ninanais
    Nitong kapalit,
    Ang pagsalamuha
    Na mas matalik.
  2. Kung panlupa'y konti,
    'Langit dagdagan;
    'Spiritu'y pupuri,
    Puso ma'y saktan.
    Kung panlupang buklod
    Nais Mong put'lin,
    Hayaang tumamis
    Ugnayan natin.
  3. Daan ma'y may lumbay
    Pasayahin Mo;
    Maging kasama ko,
    Sa lupang ito.
    Di makasarili,
    Mamuhay ako;
    Maging 'sang daluyan
    Ng biyaya Mo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds