Manliligtas aking araw
| Mode: MP3/MIDI |
- Manliligtas aking araw,
Presensya Mo'y aking tanglaw;
H'wag hayaang mata'y takpan,
Hadlangang Kita'y pagmasdan. - Nang pipikit aking mata,
Sa pagtulog, magpahinga;
Nawa huling nasa diwa,
Poon ko, kay tamis Mo nga. - Hindi ako mabubuhay,
Kung di Kita kaagapay;
Sa umaga manatili,
Kasama ko hanggang gabi. - Paggising ko, b'yayaan Mo,
Sa buhay gabayan ako;
Hanggang sa Iyong pag'pakita,
Malagum sa Iyong pagsinta!