Favorites

Hesus, manatili Ka sa akin

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hesus, manatili Ka sa akin,
    Ang dilim at gabi'y dumarating,
    Kung aliw't tulong ako'y lisanin,
    Manatili Ka sa aking piling.
  2. Buhay ay wari nang nauubos;
    Kahit ligaya ay natatapos;
    At ang lahat nagbabagong lubos,
    Liban sa Iyo; tumahan Ka, Hesus.
  3. Dumating Ka di takot ang dala,
    Kundi lunas sa pusong may sala;
    Pusong may habag, kami'y aliwin,
    Halina, Kai-bigan ng salarin.
  4. Presensya Mo'y lagi kong kailangan,
    Upang tukso'y mapagtagumpayan;
    Sino tulad Mo maging sanggalang?
    Gabi't araw, ako'y Iyong samahan.
  5. Walang lakas ang aking kalaban,
    Sakit at luha ay nabawasan;
    Kapangyarihan ng kamatayan
    Aking daig kung Iyong sasamahan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds