Favorites

Mga banal, kay tibay na saligan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Mga banal, kay tibay na saligan
    Ang Salitang sinampalatayanan!
    Ti-yak Niya kayong pinapangakuan,
    Kayong lumapit kay Hesus, kanlungan.
  2. Huwag kang matakot, Ako'y iyong kasama,
    Ako ang Diyos mong laang sumaklolo;
    Palalakasin ka, tutulungan ka,
    Hahawakan ka ng mga kamay Ko.
  3. Sa lalim ng tubig kung suguin ka
    Sa agos ng ilog, walang pangamba;
    Sa mga pagsubok Ako'y kasama,
    Sa iyong dusa ma'y babanalin kita.
  4. Maapoy man ang pagsubok sa iyong daan,
    Sapat ang biyaya Kong ibibigay;
    Apoy man nito'y di ka masasaktan,
    Kundi sa Iyo'y paglinis, pagdalisay.
  5. Kalulwang kay Kristo'y namamahinga
    Hindi Ko iiwan sa kabaka niya.
    Kahit ang Hades ay pangatugin siya,
    Ako'y hinding-hindi magpapabaya!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds