Favorites

Hindi ko natatalos kung bakit

  Mode: MP3/MIDI
  1. Hindi ko natatalos kung bakit
    'Ko'y tinubos ng pag-ibig,
    Biyaya'y inihayag sa akin,
    Nang kay Hesus mapaangkin.
    • Nguni't aking talos kung sino
      Ang aking pinaniniwalaan;
      Iingatan Niya tiyak ako
      Hanggang sa walang hanggan.
  2. Kung papaano sa pananalig
    Ang maligtas di ko batid,
    At sa 'king pananampalataya
    Ang puso ko'y mapayapa.
    • Nguni't aking talos kung sino
      Ang aking pinaniniwalaan;
      Iingatan Niya tiyak ako
      Hanggang sa walang hanggan.
  3. Di ko natatalos kung paano
    Napaamin ng 'Spiritu
    Ang tao sa sarili niyang sala,
    Sa Diyos sumampalataya.
    • Nguni't aking talos kung sino
      Ang aking pinaniniwalaan;
      Iingatan Niya tiyak ako
      Hanggang sa walang hanggan.
  4. Hindi ko natatalos kung anong
    Buti o sama mayroon,
    Hirap o ginhawa para sa 'kin
    Bago si Hesus dumating.
    • Nguni't aking talos kung sino
      Ang aking pinaniniwalaan;
      Iingatan Niya tiyak ako
      Hanggang sa walang hanggan.
  5. Di ko natatalos ang pagbalik
    Ni Hesus mula sa langit,
    Siya ba ay aking sasalubungin,
    Sa araw o takip-silim.
    • Nguni't aking talos kung sino
      Ang aking pinaniniwalaan;
      Iingatan Niya tiyak ako
      Hanggang sa walang hanggan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds