Favorites

Ang kumpletong kaligtasan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ang kumpletong kaligtasan,
    Ang bukal na nabuksan,
    Mula sa tagiliran Niya,
    Tungo sa bawa't bansa.
    Kaligtasang ganap, lubos!
    Ang pulang umaagos. (2x)
  2. O mal'walhating pahayag!
    Ang sala'y napatawad
    Ng agos na naglilinis
    Gaya'y niebeng maputi:
    Ang kumpletong kaligtasan!
    O anong kagalakan. (2x)
  3. Pag-ibig inaagusan
    Buo kong katauhan;
    Isip, damdamin, kalo'ban,
    Nang laging malinisan:
    Ang kumpletong kaligtasan!
    Mula sa kasalanan. (2x)
  4. Kristo'y buhay walang hanggan,
    Sa puso ko nanahan:
    Diyos naihalo sa tao,
    Pagsalamuhang wasto.
    Anong kaligtasan ito!
    Kristo'y buhay dibino! (2x)
  5. Wala na sa 'kin ang duda,
    Maging lumbay, pangamba;
    Walang dilim sa panalig,
    Sundan Siya nang mahigpit:
    O kumpletong kaligtasan!
    Ganap magpakailanman! (2x)

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds