Favorites

Kagila-gilalas, Ama

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kagila-gilalas, Ama
    Iyong pag-ibig sambahin Ka!
    Ang tao'y Iyong inalala
    Binuhusan ng biyaya!
  2. Purihin Ka sa layon Mo,
    Nang tao'y makawangis Mo;
    Iyong buhay, likas siya'y punan.
    Mahayag niya Iyong larawan.
  3. Nilikha sa Iyong larawan,
    At awtoridad 'binigyan;
    Buhay Mo siya'y dinulutan,
    Yaman Mo'y katamasahan.
  4. Ang layunin Mo sa tao,
    Makapasok, maihalo;
    Nang matransporma ang tao,
    Iyong tahanan maitayo.
  5. Kahit natisod ang tao,
    Di Mo iniwan layon Mo;
    Nahayag sa pagtubos Mo,
    Ang pag-ibig at dunong Mo.
  6. Nahayag sa lo'b ni Kristo
    Na katubusa'y binuo;
    Sa 'Spiritu pumasok Ka,
    Bilang buhay at biyaya.
    • 7Kabanal-banalang dako,
      Ang akin ngang espiritu;
      Luklukan din ng biyaya
      Ika'y makasalamuha.
  7. Mula sa trono ng b'yaya,
    Agos tulad ng ilog Siya
    Sa pagdaloy natransporma
    Nang maitayong bahay Niya.
  8. Biyayang walang kahambing,
    Kaloob dinulot sa 'min;
    Pag-ibig Mo'y kay dakila,
    Salamat, masasamba Ka.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds