Favorites

Anong pag-ibig handog Mo

  Mode: MP3/MIDI
  1. Anong pag-ibig handog Mo!
    Salamat Ama ko;
    Kami'y sumasamba sa Iyo,
    Purihin lahat Mo!
  2. Puso Mo'y bukas sa amin,
    Hayag ang layunin;
    Sa Anak Ika'y dumating,
    Layon Mo'y tutupdin.
  3. 'Binigay Mo ang Iyong Anak,
    Dumating, namatay;
    Upang kami'y maging anak,
    Nagmamanang tunay.
  4. Sa Kanya'y taglay buhay Mo,
    At Ama Ka namin;
    Ang kalikasan Mo Mismo,
    'Binahagi sa 'min.
  5. Sa amin Iyong Espiritu -
    Tawag: "Abba, Ama",
    'Sinilang ng Espiritu
    Upang matransporma.
  6. Layunin Mo'y mga anak
    Sa l'walhati'y dalhin;
    Mapawangis sa Iyong Anak,
    Kami ay gagawin.
  7. Transpormasyon Mong gawain
    Kami'y gagabayan,
    Sa luwalhati dadalhin
    Hanggang magampanan.
  8. Anong pag-ibig handog Mo!
    Salamat kailanman,
    Kailan ma'y sasamba sa Iyo,
    Puri'y walang hanggan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds