Favorites

Manliligtas umakyat na

  Mode: MP3/MIDI
  1. Manliligtas umakyat na
    Sa langit naluklok pa,
    Putong ay l'walhati't dangal
    Mula sa Amang mahal;
    Ginawang Ulo sa lahat,
    Nang Diyos Kanyang mahayag.
  2. Mula sa um'kyat na Kristo
    Binuhos ang 'Spiritu,
    Nang Katawan nabuhusan
    Sangkap Niya'y binihisan;
    Panginoon ng tanan Siya,
    Sa ekklesia'y masamba.
  3. Nang naging laman si Kristo
    Diyos dinala sa tao,
    Sa kam'tayan, pagkabuhay
    Tao'y sa Diyos, dinala.
    Pag'halo ng Diyos at tao,
    Natupad sa loob Mo.
  4. Umakyat sa kataasan
    Naupo sa luklukan,
    Hari ng mga hari Siya
    Awtoridad ay Kanya;
    Sa pagbuhos ng 'Spiritu,
    Ito'y napatotoo.
  5. Sa pagbuhos ng 'Spiritu
    Sa ekklesia'y dumapo,
    Sa lo'b ng 'Spiritu Santo
    Ekklesia'y nabautismo;
    Bautismo sa Espiritu,
    May bahagi ka't ako.
  6. Purihin may katuparan
    Minsan at palagian,
    Aleluya, 'ting nakamit
    Dakila ma't maliit;
    Lahat ng mga sangkap Mo,
    'Spiritu'y nagbautismo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds