Favorites

O Panginoon, kami'y aangkin

  Mode: MP3/MIDI
  1. O Panginoon, kami'y aangkin,
    Kalakasa't kapangyarihan;
    At pag nakamit, bahagi namin,
    Kaharian ipaglalaban.
    • Kapangyarihan kami'y damitan!
      Mula pa sa kaitaasan!
      Kapangyarihan kami'y damitan!
      Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!
  2. O Panginoon, sa Iyo'y titingin,
    Dibinong ulan pabuhusin;
    Dah'l sa Katawan ibuhos sa 'min,
    Nang maangkop sa Iyong gawain.
    • Ulan! Ulan! Ibuhos sa amin!
      Nagmumula sa kalangitan!
      Ulan! Ulan! ibuhos sa amin!
      Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!
  3. O Panginoon, hihintay sa Iyo,
    Apoy na banal 'ming mataglay,
    Upang ihayag ang ebanghelyo,
    Puso ng tao'y idalisay.
    • Dilang apoy! Kami ay Iyong bigyan,
      Nang ang tao'y mapahayagan;
      Dilang apoy! Kami ay Iyong bigyan,
      Ang siyang sigaw ng Iyong Katawan!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds