Favorites

'Pinaglihi ng 'Spiritu

  Mode: MP3/MIDI
  1. 'Pinaglihi ng 'Spiritu,
    Naging tao si Kristo;
    At bago nga Siya naglingkod,
    'Spiritu ang nagpuspos.
    Sa simula ng serbisyo,
    'Spiritu'y nagbautismo;
    Siya ay naramtan ng lakas,
    Nagmula sa itaas.
  2. Pedro't mga disipulo,
    'Sinilang ng 'Spiritu;
    'Spiritu Kanyang hininga,
    Nilanghap naman nila,
    Nguni't tinanggap bautismo
    Ng 'Spiritung binubo,
    Naramtan at naging handa,
    Ministeryo'y magawa.
  3. Taga-Samaria't si Saulo,
    Banal taga-Efeso;
    'Sinilang ng Espiritu,
    Pinanahanan Nito.
    Nang may taong nagpatong nga,
    Ng kamay sa kanila;
    Espiritung nagbautismo,
    May lakas nagserbisyo.
  4. Tayo'y sumampalataya,
    Naisilang-muli nga;
    At umiinom sa Kanya,
    Laging tinatamasa.
    Pagbautismo ng 'Spiritu,
    Dapat maranasan ko;
    Tao't Diyos, mapaglingkuran,
    Lakas ako'y maramtan.
  5. Pangino'n, maranasan ko,
    Bautismo ng 'Spiritu;
    Lakas ako'y damitan Mo,
    Nang ekklesia'y matayo.
    Ngayon padanasin ako,
    Ito ang hiling sa Iyo;
    Masaganang pagbautismo
    Pagbuhos ng 'Spiritu.

Comments

Add a comment

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Listen to Other Songs

Jukebox









  

   seconds