Favorites
Bubuhos ang pagpapala
- Bubuhos ang pagpapala:
Pangako ng pagsinta;
Ginhawang buhat sa 'taas,
Hatid ng Manliligtas. - Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
- May pagpapalang bubuhos -
O panauling lubos;
Sa burol, lambak—aagos,
Wala nang paghikahos! - Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
- May pagpapalang bubuhos;
Kami'y padalhan, O Diyos!
Bigyang pagpapanariwa,
Tupdin ang Iyong Salita. - Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
- May pagpapalang bubuhos;
Nawa'y ngayon ibuhos;
Habang sa Diyos nagpahayag,
Kay Hesus tumatawag! - Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
- May pagpapalang bubuhos;
Magtiwala't sumunod;
Mayroong kaginhawahan,
Kung Diyos ay bigyang-daan. - Kami'y buhusan,
Pagpapalang mayaman;
Di patak ng awa lamang,
Bagkus pagpa'lang ulan.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs