Favorites

Purihin Ka sa Iyong awa

  Mode: MP3/MIDI
  1. Purihin Ka sa Iyong awa,
    Kay lalim, kay dakila
    Sa 'ming kabigua't hina,
    Habag Mo ay sagana.
    Awa Mo'y nagtaas sa 'min,
    Dapat Ka ngang sambahin.
  2. Mangha kami sa Iyong awa,
    Ang abot ay kay haba!
    Sa aming makasalanan,
    Habag Mo'y tumatangan.
    Anong makapaghiwalay
    Sa habag Mong 'binigay?
  3. O salamat sa Iyong awa,
    Kay yaman, kay sagana;
    Sa awang may katubusan,
    Kami'y naalagaan.
    Anong pag-ibig matamo
    Kung di nga sa awa Mo?
  4. Iyong habag may inspirasyon,
    Matamis, mahinahon!
    Sa Iyong habag natugunan,
    Lahat naming kailangan.
    Kalubusan ng Iyong awa,
    Aming minahalaga.
  5. Tinatamasa Iyong awa,
    Laging bago't sariwa
    Gaya'y hamog sa pagdating
    Bawa't umaga sa 'min.
    Purihin Ka sa Iyong awa,
    Nakapananariwa!
  6. Di mapatid ang papuri,
    Sa awang namalagi.
    Iyong biyaya't pag-alaga,
    Awa Mo'y nagtalaga.
    Kailanma'y di mapahiya,
    Sa ma'asahang awa!

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds