Favorites

Saro aming bahagi

  Mode: MP3/MIDI
  1. Saro aming bahagi,
    Di mapigil papuri;
    Para sa 'min binubo,
    Mahalaga Mong dugo.
    Lahat ng suliranin,
    Nilutas ng dugo rin;
    Sa dugo Mong mabisa,
    Napawi ang pangamba.
  2. Sa mabisa Mong dugo,
    Natatag tipang bago;
    Sa mas mabuting tipan,
    Pundasyong may katat'gan.
    Tinubos ng Diyos tayo,
    Di ng pilak ni ginto,
    Kundi ng dugong mahal,
    Sa aki'y nagpabanal.
  3. Dugo'y ibinuhos mo,
    Nang tubusin ako;
    At tinugong ganap din,
    Matutuwid Niyang hiling.
    Ang Iyong dugo'y gamitin,
    Sala'y lubos linisin;
    Ang budhi'y nahugasan,
    Diyos buhay paglingkuran.
  4. Nagbubukod Mong dugo,
    Pinababanal ako;
    Nagpepreserbang dugo,
    Naging patotoo ko.
    Pampalubag Mong dugo,
    Nabigyang-katwiran 'ko;
    Dugo Mong mapanubos,
    Diyos nasiyahang lubos.
  5. Dugong dumaloy sa krus,
    Nakasundo na ang Diyos;
    Nang makaugnay ko Siya,
    Sa daang mapayapa.
    Pagbahagi sa dugo,
    Buhay Mo matamo ko;
    Sa dugo at buhay Mo,
    Malaya na sa gulo.
  6. Dugong win'sik sa langit,
    Higit na bagay banggit;
    Dinadaig ng dugo,
    Pagtuligsa ng dyablo.
    Sa 'nanaig Mong dugo,
    Kaaway aming talo;
    Napagtagumpayan din,
    Taga-akusa namin.
  7. Tunay sa dugong mahal,
    Salamuha ng banal;
    Sa pagtakip ng dugo,
    Malaya 'spiritu ko.
    Salaysay ng dugo Mo,
    Di kailanman maglaho;
    Walang hanggang saysayin,
    Ang lahat nitong galing.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds