Favorites

Dahil sa katuwiran Mo

  Mode: MP3/MIDI
  1. Dahil sa katuwiran Mo,
    Pagsamba namin ay Iyo;
    Kay Kristo Iyong binigyan
    Kami ng katuwiran.
    Naging matuwid kay Kristo,
    Di nabagbag budhi ko.
    Sa tapat na katwiran Mo,
    Kami ay nakatayo.
  2. Napakay Hesus 'ming sala,
    Mat'wid na pinatay Siya;
    Ang hiling ng kautusan,
    Natupad nang lubusan.
    Natubos dahil sa Kanya,
    Kaya 'ko'y napalaya
    Pa'nong sisingilin ako.
    Ng Diyos na mat'wid mismo?
  3. 'Halili nami'y si Hesus,
    Iyong tinanggap Amang Diyos,
    Hinatulan ang matuwid,
    Para sa di-matuwid.
    Lumuklok Siya sa Iyong kanan,
    Saksi ng Iyong katwiran;
    Binigyan Kang kasiyahan
    Angkop sa Iyong kai-langan.
  4. Dahil sa dugo ni Hesus,
    Katwira'y aming lubos;
    Sa loob ng katwiran Mo,
    Naging matatag ako.
    Kami'y naging Iyong katwiran,
    Di na mahahatulan,
    Hanggang Herusalem Bago,
    Ito'y 'ming patotoo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds