Favorites

Nab'yak, 'spiritwal na Bato

  Mode: MP3/MIDI
  1. Nab'yak, 'spiritwal na Bato,
    Walang hanggang Poon ko;
    Ininom bilang 'Spiritu,
    Naging kai-sa Mo ako.
    'Di natitinag na Bato,
    Dito kami nai-tayo;
    Kai-sa Mo sa pagkatubos
    'Di na kami makilos.
    • Iyong halaga'y talos namin,
      Lahat Mo'y para sa 'min;
      Sa pag-ibig ginunita,
      Yaman Mo'y tinamasa.
  2. Batong subok ng marami,
    Mahal ng Diyos at namin;
    Maasahan, matatag pa,
    Lakas Mo di hihina.
    Batong buhay nanatili,
    Para sa 'min pinili.
    Diyos humirang, anong tibay,
    'Ming walang hanggang buhay.
  3. Batong pundasyon nilagak,
    Ng Diyos na 'di matinag;
    D'hil sa pundasyong matatag,
    Aming seguridad t'yak.
    Liban sa Iyo, walang iba,
    Pundasyong malagay pa,
    Pundasyong namukod-tangi,
    Walang-hanggang lalagi.
  4. Ika'y panulok na Bato,
    Para sa pagtatayo;
    Nagkai-sa Hentil at Hudyo,
    Bilang 'sang Katawan Mo.
    Pang-ibabaw na Bato ka,
    Hatid Mo ay biyaya
    Ika'y aming takip, glorya,
    Dapat papurihan Ka.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds