Favorites

Tanging Anak na tunay

  Mode: MP3/MIDI
  1. Tanging Anak na tunay,
    Larawan ng Di-yos;
    Bahagi Ka ng banal,
    Mana naming lubos.
    Sa lahat ng nilalang,
    Ikaw ang Panganay;
    Sa Iyo sila'y nilikha,
    Nang I-yong mataglay.
  2. Nauna Ka sa lahat
    Ikaw nagbubuo
    Lahat nananatili
    Nang dahil sa I-yo.
    Ika'y nangunguna sa
    Pagkabuhay-muli;
    Ekklesia'y Katawan Mo,
    Ulong mal'walhati!
  3. Puspos nanahan sa 'Yo,
    Minag'ling ng Ama,
    Upang aming matanto
    Lagi Kang manguna.
    Dahil sa dugo sa krus,
    Lahat nagkasundo;
    Walang bahid nga kami,
    Sa Diyos iharap Mo.
  4. Sa Iyo'y nananahan
    Puspos ng pagka-Diyos;
    Yaman ng karunungan
    Naging aming tustos.
    Pag-asa ng l'walhati
    Sa 'min nananahan
    Sa Iyo ay sakdal kami,
    Diyos ay nasiyahan.
  5. Pawang mga anino
    Ang bagay sa mundo.
    Ikaw lamang ang tunay,
    Manga-ugat sa Iyo.
    Ang Iyong kayamanan ay
    Sa ami'y magpuspos.
    Aming tatamasahin
    At lumagong lubos.
  6. Sa Iyo nakatago ang
    Aming buhay sa Diyos;
    Lahat Ka sa 'ming buhay,
    'Ming pahingang lubos.
    Dito sa Bagong Tao,
    Ika'y lahat-lahat;
    Aming Kristong masaklaw,
    Sa I-yo'y tatawag.

Details



  • Category:PAPURI SA PANGINOON
  • Subcategory:SA KANYANG KASAKLAWAN
  • Music:J. C. Trench
  • Hymn Code:5565354446523

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds