Favorites

Ama kong Diyos kay tapat Mo

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ama kong Diyos kay tapat Mo
    At maaasahan;
    Sangnilikha'y patotoo
    Ng Iyong katapatan.
    • Katapatan Mong kay tatag!
      Dapat Kang sambahin;
      Sa langit ito'y natatag,
      Laging laan sa akin.
  2. Sa Iyo walang pagbabago
    Ni pag-iiba man;
    Noon, ngayon, ay pareho
    At magpakailanman.
  3. Salita Mo'y di makaltas,
    Tapat na tulad Mo;
    Langit at lupa'y lilipas,
    Salita Mo'y buo.
  4. Pagtawag at kaloob Mo
    Di pinagsisihan;
    Ang biyaya at habag Mo
    Tulad sa Iyong ngalan.
  5. Iyong Salita't katapatan
    Aking katibayan,
    Sampon ng Iyong kaligtasan
    Buong katiyakan.
  6. Kahit Kita'y pagliluhan,
    Ika'y tapat pa rin;
    Sarili Mo'y di talikdan,
    Salita'y tutupdin.
  7. Pangakong mapagbiyaya
    Tutupdin Mong lahat;
    At aking natatamasa,
    Kay tamis, kay tapat.
    • Bahaghari sa luklukan,
      Hayag katapatan;
      Patunay na walang hanggan
      Sa banal na bayan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds