Favorites
Panginoon kong sinta
- Panginoon kong sinta,
Mahal, hirang ng Diyos!
Higit sa Iyong kasama,
Pinahiran ng Diyos. - Aming hinahangaan
Ang Iyong kabanguhan,
Ang Iyong kahalagahan,
At Iyong katamisan.
- Higit na marilag Ka
At kaibig-ibig;
Bibig Mo'y mabiyaya,
Puso ko'y umibig. - Mahal Ka sa pagsilang,
Pantas ay nag-alay;
Mahal sa kamatayan,
Pinahirang tunay. - Ulo Mo'y pinahiran,
Kamahal-mahalan;
Paa Mo'y pinahiran,
Mahal Kang lubusan. - Kamatayan Mo'y mira,
Pang-alo sa tao;
Pagkabuhay espesia,
Sa Diyos yaring samyo. - Sa aki'y samyong mira,
Ganda ng alhena,
Puno ng mansanas Ka,
Sagana sa bunga. - Mainam kaysa alak
Ang pagmamahal Mo;
Unggwentong halimuyak,
Taglay ng ngalan Mo. - Di lang ginugunita
Ang Iyong kabutihan,
Bagkus tinatamasa
Ang Iyong katamisan.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs