Favorites

Kung may sampung libong dila

  Mode: MP3/MIDI
  1. Kung may sampung libong dila,
    Hesus pupurihin,
    Kay yaman ng biyaya Niya
    At mal'walhati rin.
  2. Aliw ko ang ngalang Hesus,
    Nagtaboy ng kaba;
    Buhay at pahinga ko Diyos,
    Naging aking kanta.
  3. Nang dahil sa pag-ibig Niya,
    Dinanas ang dusa;
    Ako'y niligtas sa sala,
    At pinalaya na.
  4. Di bagay sa pag-ibig Niya,
    Ako ay salarin;
    Bakit kaya biyaya Niya
    Dumating sa akin?
  5. Alipin ng pag-ibig Niya
    Ako'y pumapayag,
    Siya ay namatay, nagdusa,
    Gapos ko'y kinalag.
  6. Kaibig-ibig ngalan Mo,
    Mapagbiyaya Ka,
    Kung may sampung libong puso,
    Sa Iyo bawa't isa.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds