Favorites
Laging lunti, aming Ama
- Laging lunti, aming Ama
Walang pagkalanta;
Panginoong walang hanggan,
Walang kasiraan! - Ama, Diyos ng kabaguhan,
Walang kalumaan;
At ang Iyong kasariwaan
Ay magpakailanman.
- Ika'y Diyos na "bago", Ama,
Kung wala Ka'y luma;
Sa Iyo, walang maging laon
Nang habang panahon. - Biyaya Iyong ibinigay
Kabaguha'y taglay;
Bagong tipan, bagong daan,
Walang katapusan. - Kami'y bagong nilikha Mo,
Bagong pagkatao,
Araw-araw nababago,
Bagong buhay't anyo. - Bagong langit, bagong lupa,
At bagong lunsod nga;
Buwan-buwan ay may bagong bunga
Na matatamasa. - Ama, Diyos na laging bago,
Puri'y di hihinto,
Walang hanggang aawitin:
Ama ay purihin!
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs