Favorites

Pag-ibig Mo'y hindi ko malirip

  Mode: MP3/MIDI
  1. Pag-ibig Mo'y hindi ko malirip,
    Nguni't, Panginoon, aking isip,
    Ang luwang, haba nais malaman,
    Taas, lalim nito't kalakasan
    Nang lubusan.
  2. Pag-ibig Mo'y higit sa masaysay,
    Panginoon, ang labi kong taglay,
    Magpapahayag ng Iyong pag-ibig
    Sa makasalanang may tigatig
    Iyong sinagip.
  3. Pag-ibig Mo'y higit sa mapuri,
    Panginoon, ang puso ko'y tangi,
    Aawit sa puspos Mong pag-ibig,
    Tulad kong salarin ay naantig
    Tungo sa Diyos.
  4. Pag-ibig Mo—kahit di-masukat,
    Di-mabigkas, mapuri nang sapat,
    Hungkag na puso'y dadalhin sa Iyo,
    O batis na buhay, pag-ibig Mo,
    Pun'in ako.
  5. Ako'y isang hungkag na sisidlan,
    Kainlanma'y di Kita hinangaan,
    Sa Iyo muli't muling makalapit,
    Habag, biyaya'y aking makamit,
    Inibig Mo.
  6. Ako'y punuin ng pag-ibig Mo,
    Sa ilog na buhay dalhin ako,
    Payak akong nanampalataya,
    Hindi ako lalapit sa iba,
    Kundi sa Iyo.
  7. At sa luklukan Mo, Panginoon,
    Ang Iyong mukha'y makita ko roon,
    Ang luwang, haba ng pag-ibig Mo,
    Ang taas, lalim at lakas nito,
    'Awitin ko.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds