Favorites

Nangingibabaw Ka nga

  Mode: MP3/MIDI
  1. Nangingibabaw Ka nga,
    Kay banal na Isa;
    Walang makagagaya,
    Walang katumbas Ka.
    Pinakabanal Ka rin,
    Aming tatawagin.
    Iyong lakas, kalikasan
    Lahat nalampasan.
  2. Bukod tangi at banal,
    Di lamang dalisay;
    Bagkus may kasakdalan,
    Walang kapintasan.
    Wala sa Iyong mai-hambing,
    Ni makalapit din
    Sa Iyo'y paglapastangan
    Ang Ika'y halinhan.
  3. Wala nang hihigit pa,
    Pinakamaganda;
    Walang maihahambing,
    Pinakamagaling.
    Nangibabaw Iyong buti,
    Ito'y natatangi.
    Ganda'y walang katulad,
    Lampas Ka sa lahat.
  4. Naibigay Mo na rin.
    Kabanalan sa'min
    Kalikasang nai'ba,
    Aming bahagi na.
    Nangibabaw gaya Mo,
    Magsinlikas tayo.
    Kabanalan ay sundin,
    Iyong pakabanalin.
  5. Nangibabaw sa lahat,
    Kabanalang sagad;
    Ano pang sasabihin,
    Purihin, sambahin!
    Kami'y nabahaginan,
    Ng Iyong kalikasan,
    Handugan Kang papuri,
    Namumukod-tangi.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds