Favorites

Ngalang makapangyarihan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ngalang makapangyarihan,
    Hesus, parangalan!
    Putungan Siya—Panginoon,
    Hari ng mga hari.
    Putungan Siya—Panginoon,
    Hari ng mga hari.
  2. Mangagalak, mga martir
    Magbuhat sa altar,
    Dakilain—Panginoon,
    Ang ugat ni Jesse.
    Dakilain—Panginoon,
    Ang ugat ni Jesse.
  3. Tagapagmana ni David,
    Si Hesus na hari;
    Diyos na nagkatawang-tao
    At taong dibino;
    Si David man ay tinawag
    Siyang: "Panginoon ko".
  4. Tinubos lahi ni Adam,
    Tinawag na banal,
    Mga ligtas ay magtanghal,
    Siya ang Panginoon.
    Mga ligtas ay magtanghal,
    Siya ang Panginoon.
  5. Saklap at hirap dinanas
    Ng Tagapagligtas,
    Maysala, huwag kalimutan;
    Lagi Siyang titingnan.
    Haring kataas-taasan,
    Lagi Siyang titingnan.
  6. Ang mga lipi at angkan,
    Buong sanlibutan,
    L'walhatiin, dangalin Siya,
    Hari't Panginoon
    L'walhatiin, dangalin Siya,
    Hari't Panginoon.
  7. Sangnilikha'y nakaluhod,
    Tinig malakulog,
    Awit ng pagsamba'y abot
    Hanggang walang hanggan,
    Purihin ang Panginoon,
    Hari ng mga hari.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds