Favorites

Sa Pangino'ng nasa glorya

  Mode: MP3/MIDI
  1. Sa Pangino'ng nasa glorya,
    Puso namin sumamba;
    Salaysay aming binasa,
    Tungkol sa krus, pagdusa.
  2. Iyong Ulo puno ng hiya;
    Taong lupa nagsaya!
    Kapalit ngayo'y l'walhati,
    Lalim ng Iyong pighati.
  3. Nang sa krus Ika'y nag-isa
    Itinakwil, ulila;
    Ngayon nasa kanan ng Diyos,
    Pagpuri't awit lubos.
  4. Binitiwan Ka nga ng Diyos
    Itinakwil nang lubos,
    Sa inalipustang mukha,
    Ngayo'y glorya ng Ama.
  5. Amin Ka ngang sinasamba,
    Pangino'ng pinagpala;
    Karapat-dapat purihin,
    Kordero ng Diyos, Amen!
  6. Diyos Ama ay papurihan,
    Puso magsiawitan;
    Ama't Anak papurihan.
    Hanggang sa walang hanggan.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds