Favorites

Masdan sa Langit si Hesu-Kristo

  Mode: MP3/MIDI
  1. Masdan sa Langit si Hesu-Kristo,
    Nasa trono na Panginoon;
    Dinakila Siya bilang 'sang Tao,
    Ng Diyos sa Kanya'y nagputong.
  2. Nagkatawang-tao't namatay Siya,
    Nang ayon sa layunin ng Diyos;
    Muling nabuhay na may katawan,
    Umakyat sa Taong lubos.
  3. Ang Diyos sa Kanya'y napakumbaba,
    Ang Diyos sa tao'y napatira;
    Sa Kanya'y napataas ang tao,
    Tao at Diyos nagkasundo.
  4. Siya bilang Diyos—humalo sa tao,
    Diyos sa tao'y napatotoo;
    Siya bilang tao'y nahalo sa Diyos,
    Tao'y nal'walhati sa Diyos.
  5. Mula sa Nal'walhati sa langit,
    Ay dumating ang Espiritu;
    Gawa't Persona ni Hesu-Kristo,
    Inihayag ng 'Spiritu.
  6. At sa Naluwalhati sa langit
    Ekklesia Niya'y nakikiisa;
    Sa Espiritu ni Hesu-Kristo,
    Mga banal—itinayo.
    • O ngayo'y may Tao na sa langit,
      Nakaluklok Poon ng lahat!
      Pinutungan ng l'walhati ng Diyos,
      Kristo na Tagapagligtas.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds