Favorites

Poon puso ko'y masaya

  Mode: MP3/MIDI
  1. Poon puso ko'y masaya,
    D'hil sa 'kin Ika'y nagdusa;
    Ngayo'y lumipas na,
    Nagtagumpay ang Iyong gawa.
    Diyos sa Iyo'y nagluwalhati.
    Ito'y Iyong pag-ani.
  2. Ulong ang putong ay tinik,
    Ngayon sa gloria ay hitik;
    Sa trono ng Ama,
    Niluklok Ka, purihin Ka!
    Tanging karapat-dapat Ka,
    Sa aming pagsamba!
  3. Tagumpay Mo ay amin din,
    Galak Mo'y aming galak din,
    Sinta Mo'y nagbunga,
    Habang nagpagal, nagd'rusa
    Inisip nang maligaya,
    Trono ay sa Iyo nga.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds