Favorites

Paakyat ang Mandaraig

  Mode: MP3/MIDI
  1. Paakyat ang Mandaraig,
    Dala'y glorya ng Hari;
    Sakay ng ulap patungo,
    Sa langit na palasyo.
    Aleluya, kagalakan,
    Anghel nagsiawitan.
    Mga pintuan nabuksan.
    Tanggapin, tanggapin
    Ang Kristong Hari natin.
  2. Sino ang karapat-dapat,
    Papurihan nang tapat.
    Pangino'n ng pagdirigma,
    Nagtagumpay na nga Siya.
    Hirap ng krus binata Niya,
    Sa patay nabuhay Siya.
    Sa kamatayan, sinira
    Gawain ng dyablo
    Lubos itong natalo!
  3. Nahiwalay sa kanila,
    Habang Siya'y nagpapala.
    Tinitingnan ng alagad,
    Habang Siya'y inaakyat
    Diyos, binigyang kaluguran,
    Hayag katotohanan.
    Inakyat may kagalakan,
    Siyang tunay na Enoch
    Sa harap ng aking Diyos.
  4. Aaron ko dala'y dugo,
    Tungo'y Banal na Dako.
    Tungong Canaan Josue ko
    Tanang hari tinalo.
    Sa ipinangakong lupa
    Piling tao'y dinala.
    Ngayon pinagpalang b'yaya:
    Elias ko namigay.
    Pagpapala'y mataglay.
  5. Sa kanan ng Diyos inupo,
    Tinaas pagka-tao.
    Tayo'y kasamang naluklok,
    Sa mal'walhating rurok.
    Hari Ka, anghel sumamba,
    Sa langit umakyat Ka.
    Sa trono tao'y kasama,
    Nananalig ako.
    Nananalig, matamo.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds