Favorites
Sampung libong tinig humihiyaw
- Sampung libong tinig humihiyaw
Nang sabay: "Kordero na Diyos"
Mga tinig umaalingawngaw,
Purihin Kordero ng Diyos. - "Purihin ang Kordero!" ang awit
Ng pagpupulong sa langit;
Ang bawa't dila ay sumasambit,
Walang-hanggang umaawit. - Insenso ng pagpapasalamat
Taas sa trono na Ama;
Bawa't tuhod kay Hesus iluhod,
Ang isip sa langit isa. - Lahat ng hangarin ng Diyos Ama
Ay karangalan sa Anak,
In'hayag ang l'walhati ng Ama,
Sa pagniningning ng Anak. - Dahil sa 'Spiritu Siya'y dagsaan,
Kordero'y pinaligiran,
Galak, liwanag Siya'y pinutungan,
Ang "Ako nga" papurihan. - Masigla na ang bagong nilikha
Walang gambalang pahinga,
Sa kaligtasan ay pinagpala,
Walang lungkot, pagkaaba. - O pakinggan himig makalangit,
Lumalakas ang papuri;
Nagmumula sa nilikha, Amen!
Pagtugong may galak, Amen.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs